General Santos City – Kanina ay nag-donate ang Rotary Club ng Metro Dadiangas ng sampung (10) Toplight Solar Lights 300 Watts para sa mamamayan ng So Matlusi, Brgy Upper Suyan, Malapatan, Sarangani Province.

Ang nasabing solar panel ay ibinigay sa 73rd Infantry Battalion sa pamamagitan ni Engr. Jerry E. Belbider, Pangulo ng Rotary Club ng Metro Dadiangas. Ito ang magsisilbing source ng kuryente para sa mga aktibidades ng mga mamamayan lalo na sa kanilang panggabing mga gawain. Makikinabang din dito ang mga katabing kabahayan ng nasabing sitio.

Sa ngalan ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Commander ng 73IB, si 1LT Orestes Fausto, Alpha Company Commander, ang tumanggap sa donasyon mula sa grupo. Ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Rotary Club ng Metro Dadiangas sa kanilang walang tigil na suporta upang mapabago ang kalagayan ng mga mamamayan ng Malapatan, Sarangani Province.

Marami na ang naibigay na tulong ng Rotary Club of Metro Dadiangas. Isa na rito ang pinatayong iskwelahang pang-elementary na kanilang pinondohan nitong unang quarter ng taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here