Programang pangkabuhayan handog ng pamahalaan para sa samahan ng Kababaihan

Nito lamang ika-04 ng Marso taong kasalukuyan kasabay sa iginawad na kagamitan ng panaderya sa Nagkakaisang Samahang Kababaihan ng Camantigue o NSKC ang pag gunita ng “Womens Month.” Ito ay pag bibigay pugay sa mga kababaihan kung saan binibigyang pansin at pag papahalaga sa mga naibahaging tulong nito sa ating lipunan.

Gayun paman ang pag gunita ng “Womens Month” ay nagsimula noong taong 1988 sa pagpapahayag ng Resolusyon Numero 20, para sa pag obserba ng Women’s Month sa buwan ng Marso. Alinsunod sa pag gunita sinundan ito taon 2010, at nilagdaan ang enactment ng Republic Act 9710, Comprehensive Women’s Human Rights Law o kilala sa tawag na “Magna Carta of Women (MCW).

Binibigyang pansin ang Women’s Month para pagtibayin ang kanilang pagsisikap at mapagbuti at masundan ang progreso ng implementasyon ng MCW, at ang pag gunita nito ay umiikot
lamang sa dalawang konteksto “Malasakit at Pagbabago.”

Noong kailan langang Nagkakaisang Samahan ng Kababaihan ng Camantigue o NSKC na inorganisa ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion, 2ID, PA, noong ika-6 ng Mayo taong 2015 ay ginawaran muli ng DOLE sahalagang ₱602,905.00 noong ika-20 ng Oktubre 2018 para sa kanilang proyektong pangkabuhayan na bakery.

Sa pakikipag-ugnayan ng 4th Infantry Battalion sa Provincial Tourism Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO), iginawad na ang mga kagamitan pang panaderya sa nasabing oraganisasyon para sa kanilang pangkabuhayan noong ika-04 ng Marso 2019 sa Evacuation
Center, Brgy Camantigue, Bongabong, Oriental Mindoro. Ito ay pinangunahan ni Bb Irene L Ballad ng SICAD Development Associate-Bongabong, Colonel Marceliano V Teofilo pinuno ng 203rd Infantry Brigade at Lieutenant Colonel Alexander M Arbulado bagong pinuno ng 4th Infantry Battalion.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din nina Kagawad Eligeo A Malaluan, Punong Bayan ng Bongabong Oriental Mindoro, Kagawad Ariel C Faa, Punong Barangay ng Brgy Camantigue. Sa pamamagitan ni Ginang Belinda V Orongan Pangulo ng NSKC, taos pusong nagpasasalamat ang samahan sa PTIEDO, Lokal na Pamahalaan ng Bongabong at sa ating mga kasundaluhan sa biyayang kanilang natangap at nangangakong ito ay kanilang pangangalagaan sa abot ng kanilang kakayanan.

Napatunayan ng gawaing ito na sa pamamagitan ng sama-samang ugnayan ay epektibong matutugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan. Direkta ding matutulungan ng proyektong ito ang pang araw-araw na kakulangang pinansyal ng mga miyembro dahil sa karagdagang kita nito na manggagaling sa dibidendo ng kanilang proyekto.

Nag bigay mensahe din si Kgg Eligio A Malaluan, Punong Bayan ng Bongabong at pinasalamatan ang DOLE sa ipinagkatiwalang proyekto sa nasabing asosasiyon, at nakakasiguro na ang proyektong ipinagkaloob ay magagamit sa tamang paraan at maipalago
pa ito alinsunod sa panukalang proyekto. Binigyang diin ni Kagawad Malaluan, na siya ay umaasa naang DOLE ay patuloy na isakatuparan nila ang programang nasimulan upang matulongan ang ating mga makababayan.

Binigyang diin ni Ltc Alexander M Arbolado, na ang ating kasundaluhan ng 4IB at NSKC ay maipagpatuloyang magandang samahan para sa programang pangkapayapaan ng ating bayan. At gagabayan ang pangkabuhayan ng NSKC maging ang iba pang mga samahan na
nabuo ng 4IB upang maiangat ang katayuan ng bawat miyembro sa lipunan para tuluyan ng malabanan ang problema sa kahirapan.

Maging ehemplo nawa ang kanilang samahan ng isangmaunlad, mapayapa at mapagpursiging mamamayan. Nagapapasalamat naman si Col Marceliano Teofilo, 203rd Brigade Commander, sa pagbibigay
halaga ng NSKC sa tulong na kanilang nakamtan galing sa gobyerno. Hinikayat din nya ang pamunuan at mitembro ng NSKC na lalo pang pagtibayin ang kanilang samahan at pagyabungin pa ang kanilang nasimulan. “Ang kasalukuyang estado ng NSKC ay isang patunay
na ang pamahalaan ay pagmamahal sa mamamayan at sa mga kabababaihan” dagdag na pahayag ni Col Teofilo.