15.5 C
New York
Saturday, October 1, 2022

Panunumpa ng mga namumuno sa Magpet Integrated Multi-Sectoral Organization Federation sa Bayan ng Magpet

MAGPET, COTABATO – Dumalo ang 100 na opisyales at ibang miyembro ng mga People’s Organization (PO) sa pangunguna ni Mr. Charlie Cajucom, ang nahalal na presidente ng nasabing PO federasyon upang isagawa ang panunumpa ng mga nahalal na mamuno sa gymnasium sa bayan ng Magpet kahapon araw ng Martes, Hulyo 14, 2020.

Ang nasabing pagtitipon ay malugod na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng local na pamahalaan. Ilan sa mga dumalo ay ang kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Cotabato, Municipal Agrarian Reform Office (MARO)-Magpet, National Commission on Indigenous People (NCIP), Municipal Police Station-Magpet, LGU-Magpet at mga kasundaluhan at pamunuan ng 72 Infantry Battalion. Ang naganap na panunumpa sa PO federasyon ay bahagi Community Support Program (CSP) Immersion ng 72IB upang mapaigting ang Integrated Territorial Defense System (ITDS) sa mga malalayong barangay. Isa eto sa mga sustaining efforts ng ating gobyerno at mga kasundaluhan sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga dating taga suporta ng New People’s Army. Ang People’s Organization ay nabuo ng mga CSP Teams na ang layunin ay malaman ang mga hinaing ng ating mga kababayan at matugunan ang kanilang pang araw-araw na kabuhayahan. Ang lahat ng miyembro ng nasabing federasyon ay nanumpa ng kanilang katapatan sa ating gobyerno upang mapalago ang proyekto at suporta ng ating pamahalaan sa kanilang organisasyun. Sumumpa sila na gagawin ang lahat upang ipagpatuloy ang kanilang magandang simulain sa kanilang mga barangay. Ito rin ay isang patunay sa kanilang lubusang pagtanggap sa ating gobyerno.

Ayon sa mensaheng ibinigay ni LTC Rey T Alvarado, commander ng 72nd Infantry Battalion, ang mga kasundaluhan ng 72IB ay nakikipagtulungan sa iba’t ibang lokal na ahensya upang maipaabot ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan para sa kanilang livelihood programs. Nagpasalamat din siya sa patuloy na kooperasyon ng LGU-Magpet at lokal na ahensya ng Cotabato.

Sa nasabing aktibidad din ay nagbigay ng mensahe si Engr. Jupiter Rubino, Municipal Administrator na kumatawan ni Hon. Florenito Gonzaga, mayor ng Magpet. Ayon sa kanya, seryoso ang ating gobyerno sa kanilang adhikain na tuluyan ng makamit ang katahimikan at kapayapaan sa ating bayan. Nanawagan din siya ng patuloy na kooperasyon sa lahat ng mamamayan na makipagtulungan sa ating gobyerno at mga kasundaluhan.

Kalinaw Newshttp://www.kalinawnews.com
Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. e-mail: [email protected]

Related Articles

Stay Connected

0FansLike
3,508FollowersFollow
20,100SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles