BULALACAO, Oriental Mindoro – Isang mapayapang welga ang isinaginawa ng mga mamamayan ng bayan ng Socorro, Oriental Mindoro kasama ang mga kasundaluhan ng Alpha Company ng 4th Infantry Battalion, kapulisan at mga pribadong sektor noong nakalipas na araw ng Meyerkules ika 23 ng Oktobre 2019 na kung saan pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Nagkaisang kumilos protesta ang mga mamamayan ng Socorro para iparating ang kanilang mga hinanaing sa mga teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF sa mga karahasan na ginagawa ng mga ito. Nais ng mga mamamayan na wakasan na ang madugong labanan at makiisa na ang mga naturang grupo sa mga programa ng pamahalaan tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bayan.

Isinagawa ang mapayapang protista sa pamagitan ng isang motorcade na pinangunahan ni Hon Maria Fe V Brondial, Punong Bayan ng Socorro kasama ang Sangguniang Bayan at mga Punong Barangay mula sa 26 na barangay nito. Nakiisa din ang mga driver ng mga pampasadang traysikil at ang mga Cafgu Active Auxiliary na siyang katuwang ng ating mga kasundaluhan at kapulisan sa papanatili ng kapayaan at kaayusan.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Alexander M Arbolado, pinuno ng 4th Infantry Battalion na ang kasundaluhan ng 4IB ay handang puksain at hadlangan ang mga karahasan na ginagawa ng mga teroristang NPA dito sa Mindoro katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan sa pamagitan ng Executive Order Nr 70 na naglalayong wakasan ang problema sa insurhensiya sa bansa. Ang bayan ng Socorro ay isa sa mga nag diklara ng Persona Non Grata nito lamang ika 09 ng Oktobre 2019 bilang patunay na hindi na maaring pumasok at kinukundina ng mamamayan ang mga teroristang NPA sa kanilang bayan.

Ang ating kasundaluhan ay patuloy pa rin nananawagan sa mga kasapi at mga lider ng mga teroristang NPA na itigil na nila ang kanilang mga masamang gawain na nagdudulot ng pangamba at takot sa mamamayan. May mga programa ang Pamahalaan sa ilalim ng Enhanced- Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para sa mga nagbabalik loob at gustong mag bagong buhay na mga rebelde. Dagdag ni Lieutenant Colonel Arbolado.