Home Press Release Magkakasunod na Peace Rally isinagawa sa ibat-ibang Barangay sa Masbate

Magkakasunod na Peace Rally isinagawa sa ibat-ibang Barangay sa Masbate

0

Magkasamang nagsagawa ng Peace Rally ang Brgy Calumpang at Brgy Dalipe ng Cawayan, Masbate kasama ang mga residente ng dalawang barangay nitong Biyernes ika-21 ng Mayo 2021 na ginanap sa Plaza, Brgy Dalipe, Cawayan, Masbate.

Ang dalawang barangay na ito ang pinakauna sa buong probinsiya ng Masbate na nagpakita ng buong loob na katapangan upang labanan ang mga teroristang CPP-NPA-NDF dalawang taon na ang nakararaan.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa upang ipagdiwang ang ikalawang anibersaryo ng paglaya sa kamay ng mga teroristang CPP-NPA-NDF na may temang “Patunay na Walang Puwang ang Salot na CPP-NPA-NDF sa Aming Barangay” at “Dalawang Taon na ang Nakalipas, Tuloy lang ang Laban”.

Samantala, nagsagawa din ng magkasunod na Peace Rally sa pangunguna ng kanilang mga Punong Barangay, Opisyales, at Tanod ang mga residente ng Brgy Dayao at Brgy Bat-ongan ng Mandaon, Masbate nitong ika-21 at ika-22 ng Mayo 2021 upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa pamahalaan na labanan at supilin ang insurhensiya sa probinsiya. Kasunod nito ay pormal at buluntaryong nanumpa ng tigil suporta ang ilang mga dating tagasunod ng mga teroristang CPP-NPA-NDF sa harap ng Punong Barangay at mga residente.

Ang sunod-sunod na pagdaos nang Peace Rally sa ibat-ibang barangay sa probinsiya ng Masbate ay patunay lamang na mulat na ang mga mamamayang Masbateño sa mga panlilinlang, masasamang gawain at masamang naidulot ng mga teroristang CPP-NPA-NDF. Ito ay patunay na paghahangad ng kapayapaan, kaunlaran at tunay na pagbabago nang mga Masbateños.

Exit mobile version