San Jose, Occidental Mindoro-Nagsagawa ng isang loud speaker operation ang tropa ng 4th Infantry Battalion kasama ang kapulisan sa barangay ng Mapaya bayan ng San Jose, Occidental Mindoro mula kahapon Pebrero 23 hangang ngayong araw.

Kaugnay nito sa naganap na labanan sa pagitan ng mga kasundaluhan at kapulisan laban sa mga teroristang New People’s Army sa lugar na kung saan ikinasawi ng dalawang meyembro ng ating kapulisan mula sa 1st Provincial Mobile Force Company na naka base sa Camp Winston Ebersole sa bayan ng San Jose.

Isinagawa ang panawagan para maipaabot sa mga rebeldeng sugatan sa labanan na sila ay sumuko upang mabigyan ng pangunahing lunas at madala sa mga malapit na pagamutan.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay ang pamimigay ng leaflets o babasahin tungkol sa programa ng ating pamahalaan para sa rebeldeng nais mag balik loob sa pamahalaan.

Layunin ng ating mga kasundaluhan at kapulisan ang maipaabot ang mga impormasyon ukol sa mga programa ng pamahalaan. Isa na rito ang Enhanced –Comprehensive Integration Program o (E-CLIP) na naglalayon upang muli mabigyan ng panibagong pag-asa ang bawat isang NPA na susuko sa pamahalaan.

Ang 4th Infantry Battalion sa pangunguna ng bago nitong pinuno na si LTC Alexander M Arbolado kasama ang kapulisan at lokal na pamahalaan ay patuloy na nananawagan sa ating mga kapatid na naligaw ang landas na handa ang ating pamahalaan na sila ay tanggapin muli at matulungan na bagong buhay kasama ang kanilang pamilya.