Medikal, Dental, Veterinary Civic Action Programs hatid ng Humanitarian Civil Assistance (Balikatan 35-2019) sa tulong ng GHQ Cooperative Healthcare Engagement Team kasama ang 4IB, PNP at Lokal na Pamahalaan ng Rizal.

Ang 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa pamumuno ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO ay nakilahok sa nasabing programa noong ika-10 ng Abril 2019 sa Brgy Manoot, Occidental Mindoro.

Ang GHQ Cooperative Healthcare Engagement (CHE) Team ay nakipagtulungan sa 4th Infantry (Scorpion) Battalion, PNP at Lokal na Pamahalaan Rizal Occidental Mindoro upang maghatid ng tulong Medikal, Dental, veterinary at libreng tuli sa mamamayan ng Brgy Manoot Rizal Occidental Mindoro.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad na ito sa suporta ng GHQ CHE team sa pamumuno ni LTC ROSELYN ILARDE MAC, Dr Josephine Mangahas ng Municipal Health Office of Rizal, Occidental Mindoro, mga kapulisan ng OMPPO sa pamumuno ni P/CPT ROLDOLFO N DAGDAGAN, Barangay Health Workers ng Barangay Manoot sa pamununo ni Recto G Declito at mga opisyales ng Barangay Manoot sa pamumuno ni Kgg Bonifacio Custodio.

Ang nasabing aktibidad ay nagkaroon din ng pamamahagi ng mga gamit pangpaaralan, sipilyo at toothpaste para sa mga kabataan. Namahagi din ang ating mga kasundaluhan ng mga babasahin tungkul sa pagbabagong buhay ng mga kasamahan nating naligaw ng landas at makatanggap ng tulong pinansyal at pangakabuhayan mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng programang ECLIP.

May humigit kumulang na 302 na mamamayan at mga katutubong mangyan ang nakatangap ng tulong sa nasabing aktibidad.

Ayon kay COL MARCELIANO V TEOFILO, 203rd Infantry Brigade Commander, ang ating mga kasundaluhan katuwang ang mga Lokal na Pamhalaaan, ibat-ibang ahensya at pribadong sektor ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang tungo sa mapayapa at maunlad na lalawigan ng Mindoro.