Home Press Release Engkwentro sa Presentacion, Camarines Sur

Engkwentro sa Presentacion, Camarines Sur

0
505

Mabalodbalod, Tigaon Camarines Sur- Sa gitna ng patuloy na pagsulong ng 83IB sa kapayapaan nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng 83IB at mga teroristang NPA sa Barangay Ayugao, Presentacion, Camarines Sur dakong ika-5:50 ng umaga, Nobyembre 25, 2022.

Tinatayang nasa sampung (10) teroristang NPA ang nakasagupa ng ating kasundaluhan na nagresulta ng pagkakarekober ng isang (1) M14 rifle at mga bomba (IEDs) at mga subersibong dukomento. Sa hanay naman ng gobyerno ay may naiulat na isang sugatan na sa kabutihang palad ay nasa maayos ng kalagayan na kasalukuyang ginagamot sa isang pribadong pagamutan.

Kumpiyansa ang mga sundalo na maraming sugatan sa mga terorista dahil sa bakas ng mga dugo na nakita sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro.

Nanawagan naman ang Battalion Commander ng 83IB na si Lieutenant Colonel Rodito A Gotladera sa mga resindente na ipagpatuloy ang pakikiisa at pakikipagtulungan upang magapi ang gawaing terorista na sanhi ng pagkakaantala ng pag-unlad ng bansa. Gayundin ang lubos niyang ipinapahayag sa mga kapatid nating CPP-NPA-NDF na magbalik loob na lamang sa gobyerno sa tulong ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program na naglalayon na matulungan ang mga nagnanais na magkaroon ng mapayapang pamumuhay.

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here