Dalawang miyembro ng Communist NPA Terrorists nadakip sa Jones, Isabela

CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Sa pinagsamang pwersa ng 86th Infantry Battalion at ng PNP Jones Isabela ay tagumpay na nadakip ang dalawang kinikilalang miyembro ng Communist New People’s Army Terrorists (CNTs) sa Sitio Diarao Baba Brgy Dicamay 2, Jones, Isabela bandang ala una ng hapon noong ika-21 ng April 2019

Nadakip ang dalawang kinikilalang CNTs matapos bigyan ng agarang aksyon ng mga kasundaluhan ng 86IB habang nagsasagawa ng Community Service Program ang sumbong ng mga mamamayan ang presensya ng dalawang CNTs na kung saan ay nagbabalak magsagawa ng pulong-pulong at indoctrination ang mga residente ng nasabing lugar.

Ayon pa sa mga inpormasyon na nakuha ng mga kasundaluhan, may balak na masama ang mga CNT sa mga kasundaluhan na nagsasagawa ng Community Support Program sa mga nangangailangan ng serbisyo sa kanayunan ng Jones Isabela.

Kinilala naman ang dalawang nadakip na sina Solomon John A Escopete aka Dian/Nin,GP (Giyang Pampulitika) at si Danilo Estores aka R.J. na kapwa 33-anyos. Matapos ang masusing pagkwestion ay kusang umamin ang dalawa na miyembro sila ng CNTs sa ilalim ng MONMON (TNU) of Central Front Committee, Cagayan Valley Regional Committee.

Bukod dito nakuha sa kanila ang ilan sa mga kagamitan tulad ng isang IED/Anti-Personnel Mine, Detonating Cord, isang maiksing baril na Cal. 38 na may walong bala, Subversive Documents, isang isang Samsung tablet na may kasamang keyboard at charger, limang cellular phones, isang powerbank, dalawang lighters, isang Flash light, isang wallet na naglalaman ng mga ID, writing paraphernalia, isang ARMY green T-shirt at iba pang personal belongings.

Kaugnay nito, isa na nanamang patunay ng kasinungalingan ng Cagayan Valley Karapatan sa kanilang pahayag noong ika-22 ng Abril 2019 sa kanilang Facebook account, na kinuha ng mga sundalo ng 86IB ang dalawang kabataang magsasaka sa Sitio Diarao Tingnga, Brgy Dicamay 2, Jones Isabela at kasalukuyang nawawala, sapagkat ang dalawang nadakip ay umamin mismo sa kanilang salaysay na sila’y mga miyembro ng Communist NPA Terrorist (CNT) na nag-hihikayat sa mga sibilyan na umanib sa NPA. Maliban dito, ang mga narecover sa kanila ay patunay din na sila mismo ay miyembro ng mga teroristang NPA na skasalukuyang gumagalaw sa mga liblib na lugar ng Jones, Isabela. At sa ngayon ang dalawang nahuling CNT ay nasa kustodiya at pangagalaga ng Muncipal Police Station, Jone Isabela habang patuloy pa ang pagsagawa ng imbestigasyon.

Sa operasyong ito, pinuri naman ni MGen Pablo M Lorenzo ang mga kasundaluhan ng 86IB at ang mga PNP Jones Isabela sa matagumpay na pagsanib pwersa na nagresulta ng pagdakip ng dalawa. Labis rin ang pasasalamat niya sa mga residente at mamamayan lalo na sa mga opisyal ng Brgy Dicamay, Jones sa suporta at pagbigay impormasyon ukol sa presensya ng dalawng CNTs.

“Asahan ninyo na mas paiigtingin pa ng ating mga kasundaluhan ang pagsagawa ng anti-terrorist operation upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng ating mamamayan lalo na at malapit na ang eleksyon”, Dagdag pa niya ang pagkadakip ng dalawa ay patunay lamang na ayaw ng mga residente sa presensya ng mga armadong grupo sa kanilang lugar.

Muli namang nanawagan ang mga otoridad sa mga makakaliwang grupo na kusang ibaba ang armas at huwag mag-atubiling magbalik-loob at tanggapin ang alok ng gobyerno para sa pagbabagong buhay.