fbpx

Dalawang Kasapi ng NPA Sumuko sa Masbate

Kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion, aksidenteng nakatuklas ng mga gamit ng NPA

Malapatan, Sarangani Province - Aksidenteng natuklasan ng isang skwad na pinamumunuan ni 2LT James Mark B Diwag (INF) PA ang mga gamit...

Firearm, explosives seized in Sorsogon armed clash

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur-An M14 rifle and two anti-personnel mines were captured in the recent armed encounter that ensued between...

Amidst pandemic, government distributes medical kits to indigenous people in Surigao del Norte

KITCHARAO, Agusan del Norte- Despite the increasing cases of COVID-19 infections in the country, the government remains hopeful that this health challenge...

TESDA, army facilitates skills training to indigenous People of Zapanta Valley in Agusan del Norte

Kitcharao, Agusan del Norte- The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Agusan Del Norte headed by Provincial Director Rey M. Cueva,...

Serbisyo caravan continues in Agusan del Norte amidst Covid-19 pandemic

Kitcharao, Agusan del Norte- The troops of the 29th Infantry (Matatag Fighters) Battalion in collaboration with the Municipal Local Government Unit (MLGU)...

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Dalawang kasapi ng New People’s Army ang boluntaryong nagbalik-loob sa pamahakaan kasunod ng isang matagumpay na pakikipag-ugnayan na isinagawa ng mga sundalo mula sa 2 nd Infantry (Second to None) Battalion at Alpha Company ng 22nd Infantry (Valor) Battalion sa Lanang Patrol Base, Brgy. Lanang, Aroroy, Masbate ,Enero 21.

Kinilala sa kanilang mga alyas ang dalawang sumuko na sina aka Renz, 36 at aka Maya, 39 na pawang mga residente ng Brgy. Balete ng parehong bayan habang ipinapasailalim pa ang mga ito sa debriefing.

Sa kanilang pagbabalik-loob, isinuko rin ng mga dating rebelde ang isang M16 rifle at isang magazine na naglalaman ng 17 na bala. Ayon sa kanilang pahayag, sila ay naging kasapi ng teroristang grupong kumikilos sa bayan ng Baleno at Aroroy ng nasabing lalawigan kung saan naging saksi sila sa mga ginagawang pang-aabuso ng mga NPA lalung-lalo na ang sapilitang pangingikil nito ng pera sa mga negosyante at maliliit na mamamayan bilang “revolutionary tax”.

Sinabi rin ng mga sumuko na ang samu’t saring pahirap na kanilang dinanas sa loob ng kilusan at takot ang nag-udyok sa kanila upang iwan ang marahas na pakikibaka. Dagdag pa dito, nakikita rin umano nila ang mga pagbabago sa kanilang mga dating kasamahan na una nang nagbalik-loob sa pamahalaan. Matatandaan na noong Enero 9 lamang ay nagkaroon ng Presentation of Former Rebels Ceremony para sa 189 na dating miyembro ng NPA sa bayan ng Cataingan na dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Joint Task Force Bicolandia, sa pamumuno ni MGen Fernando T Trinidad AFP, ang tumataas na bilang ng mga sumusukong NPA ay patunay lamang na namumulat na sa katotohanan ang mga kasapi ng teroristang grupo hinggil sa mga huwad na ideolohiyang pinaniniwalaan nito at mga panlilinlang na ginagawa ng mga kadre upang sila ay sumama sa kilusan. 

Kaugnay nito, siniguro rin ng pinuno ng JTF Bicolandia na bukas ang kanyang pamunuan sa sinumang nagnanais na magbalik loob sa pamahalaan kasabay ang panawagan sa lahat ng mga kasapi ng CPP-NPA na ibaba na nito ang kanilang mga armas at talikuran na ang marahas na pakikipaglaban. Ayon pa sa heneral, ang paggamit ng dahas ay hindi paraan upang magkaroon ng tunay na pagbabago. Hinikayat din nito ang natitirang kasapi ng NPA na kunin ang pagkakataong ibinibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang makapagbagong buhay kasama ang kanilang pamilya at mamuhay ng payapa sa kani-kanilang mga komunidad.

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Dalawang kasapi ng New People’s Army ang boluntaryong nagbalik-loob kasunod ng isang matagumpay na pakikipag-ugnayan na isinagawa ng mga sundalo mula sa 2nd Infantry (Second to None) Battalion at Alpha Company ng 22nd Infantry (Valor) Battalion sa Lanang Patrol Base, Brgy. Lanang, Aroroy, Masbate dakong alas 5:00 ng hapon, Enero 21.

Kinilala sa kanilang mga alyas ang dalawang sumuko na sina aka Renz, 36 at aka Maya, 39 na pawang mga residente ng Brgy. Balete ng parehong bayan habang ipinapasailalim pa ang mga ito sa debriefing.

Sa kanilang pagbabalik-loob, isinuko rin ng mga dating rebelde ang isang M16 rifle at isang magazine na naglalaman ng 17 na bala. Ayon sa kanilang pahayag, sila ay naging kasapi ng teroristang grupong kumikilos sa bayan ng Baleno at Aroroy ng nasabing lalawigan kung saan naging saksi sila sa mga ginagawang pang-aabuso ng mga NPA lalong-lalo na ang sapilitang pangingikil nito ng pera sa mga negosyante at maliliit na mamamayan bilang “revolutionary tax”.

Sinabi rin ng mga sumuko na ang samo’t saring hirap sa loob ng kilusan at takot ang nag-udyok sa kanila upang iwan ang marahas na pakikibaka. Dagdag pa dito, nakikita rin umano nila ang mga pagbabago sa kanilang mga dating kasamahan na una nang nagbalik-loob sa pamahalaan. Matatandaan na noong Enero 9 lamang ay nagkaroon ng Presentation of Former Rebels Ceremony para sa 189 na dating miyembro ng NPA sa bayan ng Cataingan na dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Joint Task Force Bicolandia sa pamumuno ni MGen Fernando T Trinidad AFP, ang tumataas na bilang ng mga sumusukong NPA ay patunay lamang na namumulat na sa katotohanan ang mga kasapi ng teroristang grupo hinggil sa mga huwad na ideolohiyang pinaniniwalaan nito at mga panlilinlang na ginagawa ng mga kadre upang sila ay sumama sa kilusan.

Kaugnay nito, siniguro rin ng pinuno ng JTF Bicolandia na bukas ang kanyang pamunuan sa sinumang nagnanais na magbalik loob sa pamahalaan kasabay ang panawagan sa lahat ng mga kasapi ng CPP-NPA na ibaba na nito ang kanilang mga armas at iwan ang marahas na pakikipaglaban. Ayon pa sa heneral, ang paggamit ng dahas ay hindi paraan upang magkaroon ng tunay na pagbabago. Hinikayat din nito ang natitirang kasapi ng NPA na kunin ang pagkakataong ibinibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang makapagbagong buhay kasama ang kanilang pamilya at mamuhay ng payapa sa kani-kanilang mga komunidad.

Hot Topics

Smash’em Battalion hit NPA anew in Davao del Sur

Makilala, Cotabato - troops from 39th Infantry Battalion under 1002nd Infantry Brigade encountered more or less 20 members of Communist Terrorist Group...

Isang NPA Patay sa Engkwentro sa Occidental Mindoro

BULALACAO, Oriental Mindoro – Patay ang isang babaeng miyembro ng NPA sa isang engkwentro sa pagitan ng nasabing teroristang grupo at tropa...

NPA uses female combatants as sex slaves

CAMP EVANGELISTA, Cagayan de Oro City – On the observance of the 18-day campaign to end Violence Against Women (VAW) this month,...

Related Articles

Kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion, aksidenteng nakatuklas ng mga gamit ng NPA

Malapatan, Sarangani Province - Aksidenteng natuklasan ng isang skwad na pinamumunuan ni 2LT James Mark B Diwag (INF) PA ang mga gamit...

Firearm, explosives seized in Sorsogon armed clash

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur-An M14 rifle and two anti-personnel mines were captured in the recent armed encounter that ensued between...

Amidst pandemic, government distributes medical kits to indigenous people in Surigao del Norte

KITCHARAO, Agusan del Norte- Despite the increasing cases of COVID-19 infections in the country, the government remains hopeful that this health challenge...