Dalawang daan at limampu’t tatlong myembro (253) ng Lihim na Organisasyong Masa galit na galit na nagmartsa laban sa CPP-NPA-NDF

658

ASUNCION, Davao del Norte- Muli na namang ipinakita ng mga dating myembro ng Underground Mass Organization (UGMOs) ang kanilang poot at galit sa CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang malaking Peace Rally sa Munisipalidad ng Asuncion na may humigit-kumulang na dalawang daan at limampu’t tatlong myembro (253) sa dalawang (2) barangay ng Napungas at Binancian ng Asuncion, Davao del Norte kasama ang lokal na Pamahalaan ng Asuncion, Davao del Norte ngayong ika-15 ng Hulyo 2020.

Ang layunin ng isinagawang Martsang Pangkapayapaan ng mga dating UGMOs ay para maipakita sa publiko ang kanilang poot at galit sa mga CPP-NPA-NDF at maiwasan ang iba pang mga inosenting mamayan na maging biktima ng mga maling idolohiya at panloloko ng mga ito. Nagpapakita din ito na handa na nilang ibalik muli ang kanilang loob sa gobyerno. Tinagurian na silang mga People’s Organization at bukod pa sa tulong at pagtanggap muli sa kanila ng pamahalaan, binigyan din sila ng pangkabuhayan at bawat myembro ay pinagkalooban din ng tulong pinansyal.

Sa pahayag ni Hon. Eufracio P. Dayaday Jr, MPA, Mun. Mayor, “Handa kami na muli kayong tulungan sa inyong pagbabagong buhay. Maraming mga programa ang naghihintay upang magsilbing pagkunan niyo ng inyong pangkabuhayan. Mayroon ding mga trainings na isasagawa upang mahasa ang inyong mga kakayahan sa pagpapalago ng inyong mga kabuhayan.” Kasunod nito ang pamamahagi ng mga gamot ng medikal team ng 10th ID,PA.

Nagpahayag din ng suporta sina PCpt Joselito Tan, Chief of Police, Ret. Bgen Roberto Domines bilang representative ni Hon. Edwin I Jubahib, Provincial Governor, COL LUIS REX D BERGANTE INF (GSC) PA, Commander, 1001st Brigade at BGEN Maning S Tawantawan AFP, Assistant Division Commander, 10ID, PA