Bagani Training CL 04-20 sinimulan

0
32

Malapatan, Sarangani Province – Sinimulan ang Bagani Training CL 04-20 na may 83 na partisipante ng Brgy. Algeria, Datal Anggas, Spring, Pag-asa at Brgy Paraiso ng Alabel, Sarangani Province kahapon, Setyembre 22, 2020 sa kampo ng Alpha Company, 73IB, 10ID, PA.

Binigyang-dangal ni Hon. Vic Paul Salarda, Alkalde ng munisipyo kasama si Manuelo Mangalon, IPMR, Pastor Bryan Aungon, Spritwal Adviser ng Sulong Sarangani at Punong Barangay ng Datal Anggas na si Roldan Salimama.

Binahagi naman ni Hon. Salarda ang kanyang pasasalamat sa pagpunta ng bagong grupo ng training. “Rest assured na pagkatapos ng inyong training ay magkakaroon kayo ng trabaho sa pamamagitan ng Bantay Kalikasan na popondohan ng LGU at DENR,” kanyang sabi

Saad naman ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Kumander ng 73IB, na ang Bagani ay handa nang harapin ang isasagawang training at nawa’y pahalagahan ang lahat ng ituturo sa kanila.

Para sa inpormasyon ng lahat, nagkaroon ng Bagani Training CL 03-20 nitong Agosto 18, 2020 at magkakaroon din ng ibang training ang ibang munisipyo sa susunod na buwan.