Army’s 48IB Nakiisa sa Bloodletting Project for Bulacan COVID-19 Patients

71

Doña Remedios Trinidad, Bulacan – Isang bloodletting project ang isinagawa ng Philippine Red Cross-Bulacan Chapter, Kakarong Masonic Lodge 327, Sacred Heart Academy Alumni Association at Sta. Maria Batute Lions Club katuwang ang 48IB para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Bulacan.

Isinagawa ang naturang programa na may temang: “Bloodletting Project for Bulacan COVID-19 Patients” sa Covered Court ng Bayan ng Sta. Maria, Bulacan ika-26 ng Hulyo 2020.

Limampung (50) katao ang kwalipikadong nakapag donate ng dugo matapos itong dumaan sa pagsusuri ng mga eksperto kalakip na ang siyam (9) na donors mula sa hanay ng 48IB. 25,000 cc ang kabuoang dugo ang nai-donate sa naturang programa.

Pinangunahan nina Dr Melody Faustino ng Red Cross,Atty Bobby Pillote ng Kakarong Masonic Lodge at Dr. Roberto Niato ng Sta. Maria Batute Lions Club ang programa.

Inaasahang patuloy na magngangalap ng mga donors ang mga nasabing organisasyon upang matugunan ang pangangailangan sa dugo habang patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay, Brigadier General Andrew D. Costelo, 703rd Brigade Commander , “Ang mga ganitong adhikain ay isa sa mga paraan upang magsagip ng buhay ng isang taong may higit na pangangailangan ng dugo. Naniniwala ako na sa ganitong paraan matatawag na bayani ang sinuman na donor dahil sa simpleng pag do-donate ay nakakapagligtas ito at nakakapagdugtong sa buhay ng tao.”

Dagdag ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez, Commanding Officer ng 48IB, “Sabi nga every drop of blood counts. Ang pakikiisa ng inyong Guardians Battalion sa ganitong adhikain ay nagpapatunay na kami ay katuwang niyo sa pag preserve ng buhay at pagbibigay pag-asa sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo para sa nangangailangan. Ito ay paraan namin upang ipadama at ipakita na ang 48IB ay may mataas na pagmamalasakit sa kapwa.”