Apat na suspetsadong BIFF, arestado sa Maguindanao

300
CAMP SIONGCO, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao – Nahuli sa joint law enforcement operations na pinangunahan ni Lt. Col. Harold M. Cabunoc ng 33rd Infantry Battalion, Criminal Investigation and Detection Group ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM) na pinangunahan ni Police Senior Superintendent James Gulmatico, at 4thSpecial Action Battalion na pinamunuan ni Police Chief Inspector Jan Alexis Basanez ang apat na pinaghinalaang miyembro ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pinamumunuan ni Datu ParidoBalabagan alyas Commander Banog sa Barangay Lumabao, General SK Pendatun, Maguindanao dakong alas singko ngayong umaga lamang (October17, 2018).
 
Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang M14 rifles, dalawang RPG launchers, at 3 granada.
Isinagawa ang operasyon bunsod sa sumbong ng mga sibilyan na merong mga teroristang BIFF ang nagtitipon para sa planong pag-atake sa Lambayong, Sultan Kudarat.
Agad na dinala sa himpilan ng CIDG-ARMM ang apat na suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Ayon kay Col. Robert Dauz, Commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade, tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga BIFF na nanggugulo sa mga pamayanan.
Samantala, nagpaabot ng kanyang pagbati si Maj Gen Cirilito E.Sobejana, Commander ng 6th Infantry Division, sa mga kasundaluhan dahil sa matagumpay na operasyon laban sa terorismo .