1 BIFF, 5 na ALG sumuko sa Midsayap, Cotabato

0
156

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao โ€“ Muling nabigyan ng pagkakataon na manaig ang kapayapaan matapos na sumuko ang isang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at limang myembro ng Armed Lawless Group sa bayan ng Midsayap, Cotabato nitong ika-24 ng Setyembre, 2022.

Kinilala lang sa alyas Gawang ang sumukong BIFF sa ilalim ng Karialan faction habang ang limang ALG na sumuko ay kinabibilangan ng kanilang lider na kinilala lang sa pangalang alyas Yang. Si Yang at ang tatlo nitong mga tagasunod ay residente ng Brgy. Nes habang ang isa naman na si alyas Ben ay nakatira sa Brgy. Rangaban lahat sa bayan ng Midsayap.

Ayon kay Lieutenant Colonel Rey Rico, ang Acting Battalion Commander ng 34th Infantry (Reliable) Battalion na isinuko din ng anim ang kanilang mga bitbit na armas na kinabibilangan ng isang Caliber.30 Sniper Rifle, tatlong M14 Rifles, dalawang Caliber.30 Garand Rifles, isang Caliber.30 M2 Carbine, mga magazines at bala.
Naging kinatawan naman ni Brigadier General Jovencio Gonzales, Commander ng 602nd Brigade si Colonel Donald Gumiran, ang Deputy Commander sa pagpresinta sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan na mga dating mga ekstremistang grupo kay Mayor Rolly Sacdalan, ang alkalde ng bayan ng Midsayap.
Malugod namang tinanggap ni Mayor Sacdalan ang pagbabalik-loob ng anim kungsaan ang hakbang ng anim na magbalik-loob sa gobyerno ay pagbibigay pagkakataon na manaig ang kapayapaan sa bayan ng Midsayap.
Nagbigay naman ng P15,000.00 bawat isa sa kanila ang alkalde habang P5,000 naman na ayuda ang tinanggap nila buhat sa Municipal Social Welfare and Development Office. Tumanggap din ang mga ito ng Food packs, Medical Assistance, Livelihood assistance sa pamamagitan ng goat dispersal at sumailalim din sila sa mga payong legal.

Agad namang nagpaabot ng kanyang pagbati si Major General Roy M Galido, ang Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa magandang desisyon na ginawa ng anim. โ€œAng laban para sa kapayapaan ay hindi lamang trabaho ng sundalo at mga pulis, bagkus ito ay trabaho ng bawat isa. Ang hakbang na ito ay daan para mabigyan natin ng magandang kinabukasan ang susunod na henerasyon at lalong mapaunlad ang ating bayanโ€, pahayag ni MGen. Galido.